Bawat larawan ay isang kwento ng pagbabago, pagkakaisa, at pag-asa.
Side by side with Mabitac's young leaders, we take bold steps toward a brighter, united future.
Kaagapay ng Mabitac Elementary School sa ARAL Program, sama-sama nating hinuhubog ang mas matibay na kinabukasan ng edukasyon.
Sa pagtutulungan ng JLR Consultancy at Hagdanan Steps of Service, binibigyang-buhay ang mas ligtas at maayos na silid-aralan.
Kapag nagkakaisa ang komunidad, bawat hakbang ay nagiging pag-asa at bawat serbisyo ay nag-iiwan ng liwanag.
Sa pagtutulungan ng JLR Consultancy, HSoS, at mga kabataang lider, naipaabot ang tulong at pag-asa sa mga pamilyang nangangailangan bago pa man dumating ang bagyo.
Sa muling pagpapailaw ng 126-Step Tunnel of Lights sa Mabitac, sabay-sabay nating sinalubong ang diwa ng Kapaskuhan — isang selebrasyon ng pananampalataya at bayanihan.
Kasama ang HSoS, JLR Consultancy, at Rotaract Sierra Lakes, pinarangalan namin ang mga lider-kabataan, paaralan, at mga taong tahimik na naglingkod sa ating bayan.
Sa pagdiriwang ng Three Kings Festival noong Enero 6, muling naranasan ng mga Mamabitaqueño ang saya at pagkakaisa sa pamamagitan ng Palarong Pinoy.
Noong Disyembre 14, 2025, pormal na binuksan ang Christmas League sa Brgy. Lucong, kung saan ipinakita ng mga kabataan ang disiplina at pagkakaisa sa pamamagitan ng laro.
Noong Enero 25, inilahad ng Hagdanan Steps of Service ang mga plano at layunin para sa buong taon kasama ang Leadership Training para sa bawat miyembro.
Noong Disyembre 21, 2025, kinilala si Bb. Irene Gubala Borden bilang Namumukod-Tanging Kabataan ng Laguna sa Gawad Felisicimo T. San Luis, Araw ng Parangal 2025.
Noong Pebrero 4 at 6, matagumpay na naisagawa ang basketball tryouts sa Brgy. Lucong Covered Court. Sa suporta ng Ballout Sports at HSOS, nabigyan ng pagkakataon ang mga napiling atleta.
Sumailalim ang bawat miyembro ng HSoS sa isang komprehensibong Leadership Training upang higit na patibayin ang kakayahang maglingkod nang tapat at buong puso.
Bilang bahagi ng aming Environment advocacy, nagsagawa ng tree planting at clean-up drive sa iba't ibang bahagi ng Mabitac kasama ang mga kabataang boluntaryo.
Sa pakikipagtulungan ng mga health professionals, nagbigay ng libreng konsultasyon, gamot, at health education sa mga residente ng Mabitac.
Ipinagdiwang ang mayamang kultura ng Mabitac sa pamamagitan ng sining, musika, at sayaw — isang pagpapakita ng talento at pagmamahal sa sariling kultura.
Kinikilala ang mga kabataang boluntaryo na naging haligi ng bawat programa at aktibidad ng Hagdanan Steps of Service sa nakalipas na taon.
Isang masayang fun run na nagtipon sa daan-daang kabataan ng Mabitac — nagtataguyod ng aktibong pamumuhay at pagkakaisa ng komunidad.